Malacanang, nagpasalamat sa pahayag ng mga Obispo ng bansa
IKINAGALAK ng Malacanang ang pahayag ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na handa ang kapulungan na makipagtulungan sa pamahalaan.
Sa pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, samantalang kontra ang mga Obispo sa pagkalat ng droga at sinusuportahan ang kampanyang ito, naniniwala ang mga Obispo sa rehabilitasyon sa paggamot ng mga sugapa sa droga.
Ikinatuwa ng Malacanang na hindi kontra ang Simbahan sa pangulo subalit ilan sa mga pamamalakad, na hindi makatutulong sa bansa at sa mga mamamayan at hindi gawain ng Simbahang mamuno sa mga pagkilos na politikal.
Ani G. Abella, mahalagang magtulungan ang Simbahan at Pamahalaan.
1 2 3