|
||||||||
|
||
20170403melo.m4a
|
Department of Foreign Affairs, naghihintay ng balita mula sa mga embahada sa South America
SINABI ni Foreign Affairs Asst. Secretary Charles Jose na naghihintay pa sila ng balita mula sa kanilang mga embahada sa South America hinggil sa nagaganap na rescue operations sa paglubog ng isang barkong pangkargamentong naka-rehistro sa South Korea.
Lumubog ang barko sa South Atlantic Ocean na may 22 tripulante may dalawang araw na ang nakalilipas. Bagaman, tuloy ang search and rescue operations ng Uruguay Navy.
May dalawang magdaragat na Filipino ang nailigtas at ngayo'y sakay pa ng barko at posibleng dalhin sa Uruguay o Brazil. Sakay ang dalawang magdaragat sa isang life raft subalit walang nakasakay sa iba pang life boats.
Idinagdag ni G. Jose na handa ang mga embahada ng Pilipinas sa Uruguay at Brazil na tulungan ang mga nailigtas na magdaragat. Isang eroplano ng Brazil ang lumipad sa pook ng sakuna kahapon ng umaga samantalang isang barkong pandigma ng Argentina at lumahok sa search and rescue operations.
Lumubog ang barko may 3,700 kilometro mula sa baybay-dagat ng Uruguay. Walo sa nawawala ay mga South Korean samantalang may 14 na mga Filipino.
Naglalakbay ang barkong may dalang iron ore mula sa Brazil at patungong Tsina ng maganap ang sakuna. Nabalitang napasok ng tubig ang barko at madali silang lumubog.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |