|
||||||||
|
||
Pinuno ng Human Rights sa United Nations, inanyayahan ni Secretary Andanar
UN HIGH COMMISSIONER, INANYAYAHAN. mas makabubuting dumalaw sa Pilipinas ang United Nations High Commissioner for Human Rights upang mabatid ang nagaganap sa bansa. ito ang pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar bilang tugon sa talumpati ni G. Zeid Ra'ad al-Hussein. (File Photo/Melo Acuna)
INANYAYAHAN ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar si United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra'ad al-Hussein na dumalaw sa Pilipinas upang alamin kung hindi pinapansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing paglabag sa Karapatang Pangtao.
Ipinaliwanag ni G. Andanar na may demokrasya sa bansa at malayang masasabi kung ano na nais sabihin. Pinapayuhan niya si G. al-Hussein na dumalaw sa Pilipinas at makita ang nagaganap dito.
Ito ang pahayag ni G. Andanar matapos punahin ng United Nations High Commissioner for Human Rights si Pangulong Duterte at ang kanyang kapwa pangulo, si Pangulong Donald Trump sa kanilang pagtataguyod ng torture at extra-judicial killing.
Sa pagwawakas sa kanyang talumpati sa London, sinabi ni G. al-Hussein na nanganganib ang daigdig ng international law.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |