|
||||||||
|
||
20130523melo.m4a
|
Mga foreign minister ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas, nagkasundong magtulungan laban sa terorismo
TATLONG MINISTRO NG INDONESIA, PILIPINAS AT MALAYSIA, NAGPULONG SA SEGURIDAD. Makikita sa larawan si Secretary Alan Peter Cayetano (gitna) samantalang binabasa ang joint statement sa kanilang napagusapan. Nasa kaliwa si Minister Retno Marsudi ng Indonesia at nasa kanan naman si Malaysian Foreign Minister Dato Sri Aniyah Haji Aman.
MGA OPISYAL NG TATLONG BANSA NASA MAYNILA. Makikita ang mga foreign minister ng Indonesia, Pilipinas at Malaysia kasama ang kanilang mga pinuns ng sandatahang lakas, pulisya at intelligence at counter-terrorism experts na nagpulong sa Conrad Hotel sa seguridad ng kanilang mga bansa.
NAGKASUNDO sina Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, Malaysian Foreign Affairs Minister Dato Sri Anifah Haji Aman at Secretary Alan Peter S. Cayetano na payabungin ang pagtutulungan upang matugunan ang panganib na dulot na terorismo at ekstremismo na kinahaharap ng rehiyon.
Ito ang nilalaman ng kanilang joint statement na binasa ni Foreign Secretary Cayetano. Lumahok sa pag-uusap ng mga ministro ng ugnayang panglabas ang mga chief of staff ng sandatahang lakas ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas kasama rin ang mga pinuno ng pulisya ng tatlong bansa. Nakasama rin sa pulong ang mga dalubhasa ng tatlong bansa sa larangan ng national security at counter-terrorism.
Sa kanilang joint statement matapos ang tatlong oras na pagpupulong na matatag pa rin ang pangako ng kanilang mga bansa na tugunan ang mga hamong walang hangganan. Ikinabahala nilang tatlo ang mga insidenteng naganap sa kani-kanilang mga bansa at inulit ang pangakong magtutulungan sa pagbuo at pagpapatupad ng counter-terrorism measures at mga paraan.
Nagkasundo silang bumuo ng Plan of Action upang tugunan ang ugat ng extremism, kahirapan, droga, krimen at kawalan ng katarungang panglipunan. Isusulong din nila ang social at economic development partikular sa magkakalapit na hangganan ng tatlong bansa.
Palalakasin at pagiibayuhin ang intelligence at information sharing sa lahat ng security at intelligence agencies sa mga potensyal, posible at tunay na panganib. Pipigilan din ang pagdaloy ng salapi ng mga terorista. Pipigilan ang paglawak ng kaisipan ng mga terorista sa cyberspace partkular sa social media. Pipigilan din ang paggamit ng mga terorista ng information at communication technology at ang pagpapakalat ng mga mensahe ng mga terorista. Pipigilan din ang pagdaloy ng mga sandata tulad na rin ng pagpigil sa paglalakbay ng mga terorista.
Nagkasundo rin silang maglaan ng pagsasanay sa mga kawal at pulis. Nagkaisa silang idaos ang pulong ng kani-kanilang mga opisyal na may kinalaman sa terorismo kabilang na ang Sub-Regional Meeting on Counter Terrorism sa Indonesia, ang 11th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime sa Myanmar, at ang Second Special ASEAN Ministerial Meeting on the Rise of Radicalization and Violent Extremism na idadaos sa Pilipinas.
Magpupulong silang muli sa Oktubre 2017 sa Indonesia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |