Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mamamayan, 'di dapat mag-alala

(GMT+08:00) 2017-06-28 18:27:49       CRI

Pangulong Duterte, suportado pa rin ng mga mamamayan

MAMAMAYAN NASA LIKOD NI PANGULONG DUTERTE.  Ayon kay political analyst Ramon Casiple, maraming mga mamamayan ang sumusuporta at naniniwala kay Pangulong Duterte na magdiriwang ng unang taon sa panguluhan sa Biyernes.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA ang political analyst na si G. Ramon Casiple na maraming mga Filipino ang naniniwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng kanyang unang taon sa panguluhan.

Ang suporta ng mga mamamayan ay sa likod ng walang humpay na kampanya laban sa illegal drugs.

FOOD SECURITY MAHALAGA.  Naniniwala naman si Ateneo School of Government Dean Ronald U. Mendoza na angkop na big yang-diin ang isyu ng food security sapagkat mahihirap ang makikinabang sa programang ito.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kaninang umaga, sinabi ni Dr. Ronald U. Mendoza, dekano ng Ateneo School of Government na isa sa mga magandang nagawa ng pamahalaan ay ang pagtutuon sa food security. Ginagawa umano ni Cabinet Secretary Leoncio B. Evasco, Jr. (ang lahat) upang ituwid ang kakulangan sa palatuntunan at ginagawa ng National Food Authority at dito niya nakakabangga ang mabibigat na interes.

Kung magaganap ang pag-aayos ng National Food Authority, higit na makikinabang ang mga mahihirap na mamamayan, dagdag pa ni G. Mendoza.

FOREIGN POLICY, TAMA.  Ang pagkakaroon ng independent foreign policy ay malahaga.  Lyon kay UP Professor Aileen Baviera, ang pagkakaroon ng mas malalapit na kaibigan ay makatutulong sa bansa at mga mamamayan. (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag naman ni Prof. Aileen San Pablo Baviera na malaki ang pagbabagong naganap sa larangan ng ugnayang panglabas sa pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Tsina, Russia, Japan at mga bansa sa ASEAN. Malaking bagay umano ito at huwag lamang malilimutan ang mga dati nang kaibigan tulad ng Estados Unidos.

MATAAS NA RATING NG PANGULO, TAMA.  Sa daigdig ng kalakal, sinabi ni G. Sergio Ortiz-Luis, Jr. na maganda ang takbo ng pamahalaan at tigit na madaragdagan ang foreign direct investments sa liderato ni G. Rodrigo Duterte.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni G. Sergio Ortiz-Luis, Jr., sinabi niyang hindi niya inakalang dadagsa ang kapital mula sa Tsina. Hindi umano makakamtan ito ng ga Pilipinas mula sa mga bansang kaibigan sa Europa at America sa loob ng lima o sampung taon.

Isang problemang nararapat malutas ay ang kahirapan ng iba't ibang rehiyon sapagkat may 60% ng Gross Domestic Product ang mula sa Calabarzon, National Capital Region at Central Luzon. Hindi umano sapat na magkaroon ng mga pagawaing bayan sapagkat nararapat maliwanag kung saan ilalagay at kung bakit maglalagay ng pagawaing-bayan sa iba't ibang bahagi ng bansa, dagdag pa ni Dean Mendoza.

Maganda na umano ang takbo ng Mindanao naganap lamang ang labanan sa Marawi City. Umaasa ang mga nagbahagi ng kanilang pananaw sa liderato ni Pangulong Duterte na huwag na sanang lumago pa ang kaguluhan.

Kailangan ding magkaroon ng matatag na pangmatagalang balak at programa para sa bansa na singtibay ng mga institusyon. Walang silbi ang economic reforms kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng politika, dagdag pa ni G. Casiple sapagkat walang makitang matibay na political parties sa bansa.


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>