|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300-350 grams ng lean pork
150-200 grams ng garlic sprouts
1 maliit na carrot
1 itlog
Asin, paminta, soy sauce at cooking wine, ayon sa panlasa
Green onion, hiniwa nang manipis at pahaba
Luya, hiniwa nang manipis at pahaba
Cornstarch
Preparasyon
1. Hugasan ang lean pork, hiwain nang manipis at pahaba at ilagay sa isang plato.
2. Hugasan ang garlic sprouts, hiwain sa habang 2-3 centimeters at ilagay sa isang hiwalay na plato.
3. Hugasan at balatan ang carrot, hiwain nang manipis at pahaba at ilagay sa isang hiwalay na plato.
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng kaunting mantika sa kawali at igisa ang lean pork hanggang magkulay brown. Hanguin, patuluin at itabi muna.
Dagdagan ang mantika sa kawali at igisa ang green onion at ginayat na luya hanggang lumutang ang bango, mga 10 seconds.
Idagdag ang carrot at garlic sprout at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 2 minutes. Timplahan ng asin at paminta tapos ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10 seconds. Isama ang ginisang lean pork at haluin pa nang kaunti bago patayin ang apoy at ilipat ang niluto sa serving dish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |