|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 kutsarita ng black peppercorns
500 grams ng beef fillet, hiniwa nang pa-cube
2 kutsara ng oyster sauce
1 kutsara ng shaoxing wine o dry sherry
2 kutsarita ng potato starch
2 kutsarita ng soy sauce
1 kutsarita ng sesame oil
1 1/2 kutsara ng vegetable oil
2 cloves ng bawang, ginayat nang manipis
1 malit na green bell pepper, hiniwa nang pakuwadrado
1 sibuyas, hiniwa nang pakuwadrado
Paraan ng Pagluluto
Dikdikin muna ang black peppercorns sa isang mortar. Ilagay ang beef sa isang bowl at idagdag ang 3/4 ng dinikdik na peppercorns kasama ang oyster sauce, shaoxing wine, potato starch, soy sauce at sesame oil. Haluing mabuti tapos i-marinate sa loob ng 15 minutes.
Initin ang mantika sa kawali at idagdag ang na-marinate na beef, pero huwag munang isama ang ibang marinade. Igisa ang beef hanggang magkulay brown. Idagdag ang bawang, mga piraso ng bell pepper at sibuyas at ituloy pa ang paggisa. Idagdag ang natitirang marinade at ituloy pa ang paghahalo hanggang maluto ang sibuyas.
Isalin sa plato at ibudbod ang natitirang black peppercorns bilang garnish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |