|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
Green vegetable (rape, cabbage, Chinese cabbage, wombok o iba pang green vegetables na available)
200 grams ng sariwang mushrooms
1-2 butil ng bawang, ginayat
Asin, ayon sa panlasa
Mixture of cornstarch and water
Soy sauce, ayon sa panlasa
Cooking oil, panggisa
Preparasyon
1. Hiwain nang malalaki ang mapipiling gamiting green vegetable.
2. Hugasan ang mushrooms, patuluin at hiwain nang walang takdang sukat.
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang sa loob ng 10 seconds. Idagdag ang green vegetable at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 1 minute. Timplahan ng asin at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10 seconds. Patayin ang apoy, hanguin ang iginisang gulay at isalin sa plato.
Hugasan ang kawali at initing muli. Lagyan ng panibagong cooking oil, at pag mainit na, igisa ang ginayat na mushrooms sa loob ng mga 1 minute.
Lagyan ng 1/3 na bowl ng tubig at kulubin sa mahinang apoy sa loob ng 5 minutes. Dagdagan nang kaunti ang apoy at timplahan ng asin, soy sauce at mixture of cornstarch and water at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 20 seconds. Patayin ang apoy, hanguin ang mushrooms at ihalo sa green vegetable. Ibuhos ang juice mula sa kawali sa green vegetable at mushrooms. Pagkaraan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |