|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 itlog maalat, binalatan
2.5 kilograms ng karneng baboy na giniling
1 itlog
1 kutsara ng toyo
1/2 kutsarita ng puting asukal
1/4 na kutsarita ng asin
1 kutsarita ng itim na pamintang durog
1 kutsara ng gatas
1/2 ulo ng broccoli, hinimay
Paraan ng Pagluluto
Ihiwalay ang puti ng itlog maalat sa pula. Gamit ang kutsara, ligisin ang puti sa isang bowl, o kung hindi naman, i-blend sa food processor. Hatiin naman sa apat ang pula at itabi muna.
Sa isang katamtamang laking bowl, pagsama-samahin ang karneng giniling, puti ng itlog maalat, regular egg, soy sauce, asukal, asin, paminta at gatas. Halu-haluin gamit ang kamay. Hayaang ma-marinate sa loob ng 15 minutes. Kunin ang mga piraso ng pula ng itlog maalat at isiksik sa karneng giniling, tapos masahin nang kaunti ang karneng giniling at diinan sa ibabaw para maging flat na parang cake. Iayos ang mga ploreta ng broccoli sa paligid ng karne. Ilagay ang bowl sa isang steamer na may ilang inches ng tubig, at sa katamtamang init, pausukan ang karne hanggang magkulay brown, mga 30 minutes. Ihaing kasabay ng kanin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |