|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na tasa ng wood ear mushroom, hinugasan at ginayat
3 butil ng bawang, tinadtad nang pino
1-2 red chili pepper, inalisan ng buto at tinadtad (optional)
1 1/2 kutsara ng dark vinegar
1 kutsara ng light soy sauce
1 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng sesame oil
1 kutsara ng scallion, tinadtad nang pino
Paraan ng Pagluluto
Sa isang katamtamang laking kaserola, pakuluan ang wood ears sa loob ng 3-4 na minuto. Hanguin at patuluin at banlawan ng malamig na tubig para lumamig. Itabi muna at hayaan pang tumulo.
Sa isang malaking bowl, pagsamasamahin ang bawang, red chili peppers, dark vinegar, light soy sauce, asukal at sesame oil.
Pagkatunaw ng asukal, idagdag ang wood ear mushrooms at haluing mabuti. Takpan at i-marinate sa refrigerator sa loob ng 30 minutes.
Haluing muli bago i-serve dahil may tendency ang sauce na tumining sa ibaba. Lagyan ng tinadtad na scallions bilang garnish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |