|
||||||||
|
||
20170914melo.mp3
|
Dating Pangulong Aquino, pinakakasuhan ng Ombudsman
NAIS nang Ombudsman na ituloy ang kaso laban kay dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa usaping graft at usurpation of authority sa kanyang pinaniniwalaang papel sa anti-terrorist operation na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Napapaloob sa 27-pahinang consolidated order na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong nakalipas na Lunes, ika-11 ng Setyembre, sinabing walang sapat na dahilan upang baliktarin o baguhin ang pinupunang resolusyon matapos masuri ang mga ebidensya.
Ang pagkakaroon ng sapat na dahilan sa kanyang paglahok sa operasyon ay paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Official Functions at Section 3(a) ng Republic Act No. 3019 .
Ayon naman kay Bb. Abigail Valte, tagapagsalita ni dating Pangulong Aquino, makakausap nI dating pangulo ang kanyang legal team ngayon upang mabatid ang kanilang nararapat gawin.
Magugunitang ipinag-utos ng Ombudsman na ipagsumbong si G. Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napenas.
Halos 400 mga tauhan ng Special Action Force ang nagtungo sa Mamasapano sa Magindanao noong hatinggabi ng ika-24 ng Enero 2015 sa paghahabol sa teroristang si Zulkifli bin Hir alias Marwan. Tinaguriang Operation Plan Exodus ang nakapaslang kay Marwan subalit naging sanhi ng sagupaan sa ilang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Freedom Fighters.
May 44 na pulis ang napaslang sa insidente.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |