|
||||||||
|
||
Epekto ng pagmimina, paksa ng bagong aklat
INILUNSAD ng research group na IBON ang isang bagong aklat hinggil sa pagmimina, sa liberalisasyon at epekto sa kalusugan ng mga Filipino.
Pinamagatang "Mining Ills: Poor Health and Inequities in the Philippines'" inilunsad ang aklat kasabay ng pagsusulong ng Chamber of Mines of the Philippines ng pagpapatuloy ng open-pit mining.
Sinabi ng IBON na ang pahayag ng Chamber of Mines na isabay sa sustainable mining practices sa Canada at pagkakaroon ng oersight laban sa mapaminsalang pagmimina ay "greenwashing."
Tinatalakay sa aklat kung paano makasasama ang liberalisasyon ng pagmimina sa mahinang kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas. Ilan sa mga pagsusuri ang nagsabing patuloy na kumikita ang mga banyaga at local mining firms sa ilalim ng mining liberalization policy ng pamahalaang naghahanap ng salapi.
Ito umano ang dahilan ng mga paglabag sa mga social determinants ng karapatan sa kalusugan, tulad ng malinis at ligtas na tubig, kabuhayan at kita, kaayusan ng kapaligiran at iba pa.
Nakita rin ang masamang epekto ng pagmimina tulad ng di makapanindigan ang mga komunidad sa pagpasok ng industriya sa kanilang nasasakupan.
Dumalo sa paglulunsad ang isang kinatawan ng Sandugo, at mga katutubo, health advocates at iba pang mga samahan. Inilunsad ang aklat kanina sa IBON conference hall sa Quezon City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |