Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Pangulong Aquino, pinakakasuhan ng Ombudsman

(GMT+08:00) 2017-09-14 17:42:32       CRI

Mga pulis at tsuper ng taxi, inireklamo ng mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo "Kulot" de Guzman

IPINARATING ng mga kamag-anak nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo "Kulot" de Guzman ang kasong double murder sa Department of Justice laban sa dalawang pulis at sa tsuper ng taxi na sangkot sa pagkasawi ng dalawa.

Tinulungan ng Public Attorney's Office, ang mga magulang nina Arnaiz at de Guzman ang nagreklamo laban kina Police Officer 1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita ng Caloocan City Police at isang Tomas Bagcal, isang tsuper ng taxi.

Inakusahan ang tatlo ng torture at pagtatanim ng ebidensya na labag sa Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakasalalay ang reklamo sa forensic analysis sa mga sugat nina Arnaiz at De Guzman at mga pahayag nina Alias Kai at Joe Daniel na nakakita umano kung paano pinatay si Arnaiz.

Ang 21 taong si Joe Daniel ay nagsabi ring sakay si Arnaiz at isang maliit na binatilyo ang nasa loob ng police car sa may C3 Road kung saan binaril hanggang sa mapatay noong madaling araw ng ika-18 ng Agosto.

Samantala, ipinagpasalamat ng Philippine National Police ang pormal na pagrereklamo sa kanilang mga tauhan upang maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili sa hukuman. Ito ang naging pahayag ni Chief Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP.

Hinamon naman ni Chief Public Attorney Persida Acosta si Bagcal na linisin niya ang kanyang pangalan sa usapin. Malamang na gawin pang state witness si Bagcal at kailangan lamang magsabi ng katotohanan lalo pa't hindi ipagagamit ang Public Attorney's Office sa mga sinungalin.

Nakipagsabwatan umano si Bagcal sa mga pulis sa pagpatay kay Arnaiz at de Guzman.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>