Suspensyon ng klase at trabaho sa mga opisina, maaaring ipatupad
PINAG-AARALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsususpinde ng trabaho sa pamahalaan at mga klase kasunod ng balak ng ilang grupo na sabayang magprotesta sa mga susunod na araw.
Sa panayam sa himpilan ng pamahalaan, sinabi ni G. Duterte na magkakaroon ng holiday upang maiwasan ang kaguluhan sa mga napipintong demonstrasyon.
Wala namang binanggit na petsa ang pangulo. Ginawa ang pahayag sa panayam sa PTV Channel 4.
Kumpirmado rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang deklarasyon. Idinagdag niyang sa pagkakaroon ng malawakang protesta, baka mahirapan ang publiko kaya walang papasok sa darating na Huwebes, ika-21 ng Setyembre na paggunita sa deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Pinangungunahan ng Movement Against Tyranny, isang multisectoral group ang protesta laban sa pasismo at militarist rule ni Pangulong Dutertre sa Huwebes, ika-21 ng Setyembre.
1 2 3