|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Pamahalaang Tsino
KINALUGDAN ni Pangulong Duterte ang tulong mula sa Tsina para sa mga kawal na nasugatan sa kaguluhan sa Marawi City.
Sumaksi si Pangulong Duterte sa pagbibigay ng tseke na higit sa P 65 milyon na donasyon ng Embahada ng Tsina sa Armed Forces of the Philippines sa Malacanang kamakalawa.
Si Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang nagkaloob ng tseke para sa mga nasugatang kawal sa mga sagupaang naganap sa Marawi City.
Anang pangulo, malaking tulong ang halaga sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa mga terorista sa Mindanao.
Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang patuloy na tulong na Tsina sa bansa sapagkat binigyan ng Tsina ng military aid package na kinabibilangan ng mga baril at bala para sa counterterrorism sa Marawi City.
Mapakikinabangan ng mga kawal ang donasyon ng Tsina, dagdag pa ni G. Duterte. Kasama niya sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesperson Ernesto Abella at AFP Chief of Staff General Eduardo Ano sa okasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |