|
||||||||
|
||
Federalism, kailangang pag-usapan ng mabuti
FEDERALISM, KAILANGANG PAG-USAPAN. ito ang panawagan ni Dr. Gilbert Llanto sa iba't ibang sektor ng lipunan sa kanyang talumpati sa Third Annual Public Policy Conference kamakalawa. (PIDS Photo)
ANG kontrobersyal na programa ng pamahalaang makamtan ang kalakaran sa ilalim ng Federalism ay marapat na pag-usapan ng mabuti upang maiwasan ang mga 'di pagkakaunawaan.
Ayon kay Dr. Gilberto Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ginagawa ng kanilang tanggapan na siyang think-tank ng pamahalaan upang pag-usapan ng nakararami ang mahalagang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa Third Annual Public Policy Conference, may mga Filipinong naniniwala na mahalaga ang federalism sapagkat walang nagaganap na mabuti sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nawawalan na umano ng loob ang mga nasa Visayas at Mindanao. Nagaganap ito sapagkat nakasentro sa Maynila ang poder at yaman ng bansa.
Nagmula pa noong panahon ng mga Kastila ang kalakarang ito. Kahit umano nakapasa ang Local Government Code of the Philippines noong dekada nobenta, marami pa ring problema ang hinaharap ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |