|
||||||||
|
||
Artificial Intelligence, magiging bahagi ng paksa sa taunang pulong
MAGSASAMA-SAMA ang mga dalubhasa sa larangan ng information technology sa darating na Miyerkoles, ikapito ng Nobyembre sa Makati Shangri-La. Tinagurian ang pagpupulong na "Ph DNA: Human Tech" na itinataguyod ng IT Business Process Association of the Philippines.
Magsasama-sama ang mga sinasabing global thinker, industry players at analysts hinggil sa kinabukasan ng trabaho, artificial intelligence at ng industriya.
Sinabi ni G. Rey Untal pangulo ng IBPAP na maraming nagsasabing nanganganib ang mga manggagawa na mawalan ng trabaho sa pagkakaroon ng automation.
Ipinaliwanag niyang samantalang magkakaroon ng epekto ang automation sa ilang trabaho sa sektor, maka-aangat din ang IT-BPM industry sa larangan ng value chain sapagkat magkakaroon ng dagdag sa mid-skilled jobs at high-skilled services.
Kasama sa pagbuo ng malawakang talakayan ang Contact Center Association of the Philippines. Ayon kay CCAP Chairman Benedict Hernandez, kailangang lumahok ang stakeholders sa pagtitipon sapagkat mahalaga ang mga paksang pag-uusapan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |