|
||||||||
|
||
Senador Lacson, nagreklamo laban kay dating Commissioner Nicanor Faeldon
KINASUHAN na ng graft ni Senador Panfilo Lacson ang nagbitiw na Commissioner of Customs Nicanor Faeldon sa Office of the Ombudsman sa papel nito sa pagpapalabas ng smuggled rice.
Naunang inakusahan ni Senador Lacson si G. Faeldon ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Isa umanong hipokrito ang dating Customs Commissioner.
Hipokrito umano si Faeldon sapagkat batid ng lahat sa Bureau of Customs ang natatanggap sa bawat container at patuloy pa sa pagtanggi at lumalaban pa.
Sinabi ni Senador Lacson na mayroon siyang sapat na ebidensya na kinabibilangan ng mga dokumento at sinumpaang salaysay na sasapat sa kanyang mga akusasyon. Detenido si G. Faeldon sa isang silid sa Senado.
Pinag-aaralan na rin ang magiging sagot ni G. Faeldon sa mga akusasyon. Ani Senador Lacson naghahahanap pa sila ng dagdag na ebidensya at mga sinumpaang pahayag upang huwag mapawalang-saysay ang mga akusasyon.
Sinabi naman ng abogado ni G. Faeldon, isang nagngangalang Jose Dino sa isang pahayag na wala pang ebidensya si Senador Lacson laban sa kanyang kliyente.
Ipinagtataka ni Senador Lacson ang paglalabas ni Commissioner Faeldon ng special stop orders sa mga kargamentong nakapasa na sa green lane sa pagdinig ng senado hinggil sa "tara system" sa Bureau of Customs.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |