|
||||||||
|
||
Operasyon laban sa mga guerilya ng New People's Army magsisimula na
NAKATAKDANG simulan ng pamahalaan ang kampanya laban sa mga kasapi ng New People's Army pagsapit ng hatinggabi mamaya sa pagtatapos ng tigil-putukan sa paggunita at pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ayon kay G. Arsenio Andolong, tagapagsalita ng Department of National Defense tuloy na ang operasyon kung walang anumang kautusang magmumula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumagal ang ceasefire na deklarado ng pamahalaan mula noong ika-anim ng gabi noong ika-23 ng Disyembre hanggang ika-anim ng gabi noong nakalipas na ika-26 ng Disyembre at mula ika-anim ng gabi noong ika-30 ng Disyembre hanggang ika-anim ng gabi ng Martes.
Maituturing na tagumpay ang tigil-putukan ng magkabilang panig. Nakapagpahinga ang mga kawal kahit may ginawang pananalakay ang mga guerilya.
Ayon kay Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, tuloy ang operasyon ng mga kawal sa pagtatapos ng Secession Of Military Operations o SOMO.
Nakatakda ring tumulong ang mga kawal sa mga pook na masasalanta ng sama ng panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |