Pagpapanatili ng kaunlaran, malaking hamon para sa pamahalaan
NANINIWALA si Deputy Governor Diwa C. Guinigundo na isang malaking hamon sa pamahalaan na mapanatili ang kaunlaran ng bansa. Napapaloob ito sa fiscal discipline at magandang pagpapatakbo ng salapi ng pamahalaan at pagkakaroon ng mas mataas na koleksyon ng buwis.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Guinigundo na ang salaping malilikom ang siyang magagamit sa pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan, pagpapahusay ng pasilidad pangkalusugan at pang-edukasyon.
Ani G. Guinigundo, ang mga ito ay maituturing na investments tungo sa kinabukasan. Kung magpapatuloy ito, hidit na magkakaroon ng hanapbuhay ang mga mamamayan sa loob ng bansa at matutugunan ang pagkukulang sa mga pagawaing-bayan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan.
Isang magandang nagawa ng pamahalaan ay ang pagpapababa ng bilang ng mahihirap sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
1 2 3