|
||||||||
|
||
Alert level 3, itinaas na sa Bulkang Mayon
ITINAAS na ng mga opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert level sa Bulkang Mayon matapos magkaroon ng banayad na pagdaloy ng kumukulong putik sa bagong tinaguriang summit lava dome. Dumaloy ang kumukulong putik patungo sa Miisi at Bonga gullies.
Sa pagkakaroon ng mga pangyayaring ito, napuna rin ang pagkakaroon ng siyam na paglindol, apat na nagkaroon ng kasabay na pagbuga ng kumukulong putik at 75 lava collapse events.
Gumuho rin ang mga bato sa paligid ng bulkan. Nakataas na ang Alert Level 3 na nangangahulugang mayroong namumuong pangyayari sa loob ng bulkan at nasa bibig na nito ang kumukulong putik. Nangangahulugan ito ng pagputok sa loob ng ilang raw o linggo.
Pinayuhan ang mga mamamayang huwag nang pumasok pa sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone at sa pitong kilometrong expanded danger zone sa katimukang bahagi ng 2,462 metrong bulkan. Nanganganib na magkaroon ng pagguho ng mga bato, pagsabog na maaaring magdulot ng ibayong panganib.
Kailangang mabantayan ang mga nagaganap at pinayuhan ang mga piloto na huwag munang lumapit sa bulkan sapagkat ang anumang pagsabog nito ay may dalang abo ma makasasama sa eroplano.
Higit na sa 17,000 mga mamamayan ang naninirahan sa evacuation centers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |