|
||||||||
|
||
SUSURIIN ng 25 dalubhasa ang operasyon ng may 26 na minaham mula ngayong Enero.
Ayon sa pahayag ng Department of Finance, magkakaroon ng "fact-finding and science-based" review ng may 26 na kumpanya. Magugunitang sinuspinde at ipinasara ni dating Secretary Regina Lopez ang mga minahang ito noong kanyang kapahunan sa Department of Environment and Natural Resouces.
Ang Mining Industry Coordinating Council ay pinamumunuan nina Secretary Roy Cimatu ng DENR at Secretary Carlos Dominguez III ng Department of Finance.
Makakasama sa pagsusuri ang mga dalubhasa ng Development Academy of the Philippines na tutulong sa paglalagom ng mga impormasyon at detalyes na matatagpuan sa pagsusuri ng mga minahan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Pagsasama-samahin ang mga mapupunang kakulangan sa ipinatutupad ng alituntunin ng mga minahan upang mapangalagaan ang kapaligiran at matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad na nasa loob ng mga pook na saklaw ng mga minahan.
Saklaw ng pagsusuri ang gold, copper at nickel mines, tulad rin ng iron at chromite sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |