Bilang ng evacuees, bumaba na sa 79,000
NAKAUWI na sa kanilang mga tahanan ang mga naninirahan sa loob ng siyam na kilometrong layo mula sa bibig ng bulkang Mayon. Ito ang naganap kahapon sa pagbuwag ng evacuation centers para sa may higit sa 5,000 mga mamamayan.
Mula sa 61 apektadong barangay, bumaba na ito sa 48 at mula sa higit sa isang libong silid aralan na kanilang tinitirhan, mayroon na lamang na 871 tinitirhan.
Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, may 1,197 katao mula sa 637 pamilya ang nakauwi mula kahapon. Ang mga nakauwi ay 15% ng buong bilang ng evacuees ng Legazpi City.
1 2 3