Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi pa humuhupa ang panganib mula sa bulkang Mayon

(GMT+08:00) 2018-02-05 16:43:30       CRI

Malaking hamon ang pagpapakain ng libu-libong evacuees

SINABI ni Bishop Joel Z. Baylon ng Diocese of Legazpi na isang malaking hamon para sa pamahalaan at maging sa simbahan ang pagpapakain ng higit sa 79,000 evacuees na naninirahan sa iba't ibang evacuation centers sa paligid ng buklang Mayon.

Sa isang panayam kay Bishop Baylon, sinabi niyang may paraan ang simbahan sa Albay na tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sapagkat may mga programa na sila mula pa noong mga nakalipas na panahon, lalo pat' madalas dumaan ang malalakas na bagyo, walang humpay na pag-ulan at pagputok naman ng bulkang Mayon ngayon.

MALAKING HAMOIN ANG PAGPAPAKAIN SA EVACUEES.  Lubhang malaking hamon ang pagpapakaiin sa libu-libong evacuees sa Albay. Ito ang sinabi ni Bishop Joel Z. Baylon sa isang panayam sa paggunita sa ika-25 anibersaryo ng nakamamatay na pagsabog ng Mayon noong 1993.  (Melo Acuna)

Ginawa ang panamay kay Bp. Baylon kahapon, ika-25 taong anibersaryo ng pagdaloy ng nakamamatay na usok sa Bonga gully na ikinasawi ng halos 80 katao na karamiha'y nalapnos at nasunog dala ng napakainit at napakabilis na usok mula sa bibig ng bulkan.

Karamihan sa mga lumikas ay mga magsasaka na walang ibang hanapbuhay liban sa pag-aalaga ng mga pananim. Bagaman, mayroong mga magsasakang maaaring maging obrero o trabahador sa pag-aayos ng mga lansangan at ibang pagawaing-bayan.

Nangangailangan din ang evacuees nang dagdag na pangsahog sa bigas, noodles at sardinas na karaniwang inirarasyon ng pamahalaan. Ani Bishop Baylon, bagama't tiyak na mabubuhay ang mga mamamayan sa rasyon, hindi rin makabubuting hindi madagdagan ang kanilang kinakain sa pamamagitan ng mga gulay, itlog, isda at karne.

May programa ang simbahan na naglaan ng kapital sa mga kababaihan at magsasaka upang magtanim ng mga gulay at ngayo'y ang simbahan na rin ang bumibili at nagbabahagi sa mga evacuees na bumibili nito gamit ang mga may kulay na karton na may kaukulang halaga na sa simbahan din nagmula.

Pinuri ni Bishop Baylon ang ginawa ng Liberty Commercial Center na nagpababa ng presyo ng mga bilihin at tumanggap sa mga plastic cards na may halagang P 1,000 mula sa simbahan upang makabili ng mga kumot, damit at iba pang kailangan sa evacuation centers.

Naglingkod si Bishop Baylon bilang parish priest sa Bigaa, isang barangay na siyam na kilometro ang layo sa bibig ng bulkan kaya't nauunawaan niya ang pangamba ng mga naninirahan sa dalisdis ng aktibong bulkan.

Ayon sa isang evacuee, bagama't napakagandang masdan ng bulkang Mayon, may dala itong ibayong panganib sapagkat may posibilidad na bigla na lamang sasabog ng walang anumang pagbabadya tulad noong naganap noong 1993.

CONGRESSMAN GONZALES TULOY SA PAMAMAHAGI NG GULAY, ATBP.  Tuloy ang pagdadala ni Congressman Fernando Gonzales ng mga pangdagdag sa rasyong pagkain.  Dala niye ang mga gulay, isda, camote at gabi hanggang sa ninoy upang magdagdagan ang inihahain sa hapag kainan sa mga paaralan.  (Melo M. Acuna)

Sa ikatlong distrito ng Albay, nakapamahagi na si Congressman Fernando Gonzales ng mga gulay tulad ng pechay, camote, gabi, sibuyas at bawang, tilapia at laolao kasama ng dressed chicken, suman, sili at maging niyog na panggata na kinagigiliwan ng mga Albayano.

Idinagdag pa ni Bishop Baylon na magandang pangitain ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sapagkat kumikilos na ang mga ahensya ng pamahalaan. May inilaang salapi rin para sa mga pangangailangan ng evacuees subalit maliit na halaga lamang ang P 50 milyon kung ihahambing sa pangangailangan ng iba't ibang lungsod at bayan na nasa paligid ng bulkang Mayon.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>