|
||||||||
|
||
Filipina, nasawi sa lindol sa Taiwan
NASAWI ang isang Filipinang kinilala sa pangalang Melody Castro Albano sa malakas na lindol na yumanig sa Taiwan noong Martes ng gabi.
Ayon kay G. Lito Banayo, pinuno ng MECO, natagpuan kaninang bago nagdapit-hapon ang labi ng Filipina na unang nabalitang nawawala.
Isang taga-Abulog, Cagayan ang biktima na nagtatrabaho bilang caretaker sa isang nursing home na nasa isa sa apat na gusaling napinsala ng lindol sa Hualien.
Umabot sa sampu ang nasawi sa lindol samantalang mayroong 265 ang nasugatan at may 50 nawawala. Mayroong 100,000 mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng Taiwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |