Kahilingan ni dating Makati Mayor Jejomar Binay, Jr. sa Sandiganbayan, ibinasura
TUMANGGI ang Sandiganbayan sa panibagong kahiulingan ni dating Makati City Mayor Junjun Binay na pawalang-saysay ang kasong katiwalian at pagpapalsipika ng mga dokumento.
Sa 25-pahinang resolusyon na may petsang ika-12 ng Marso, sinabi ng Third Division na tinanggihan nila ang kahilingan ng nakababatang Binay sa kawalan ng kabuluhan at nanawagan sa akusadong patunayan ang kanyang kawalang-sala sa pagdinig sa hukuman.
Nakipagsabwatan umano ang nakababatang Binay sa ibang mga opisyal ng Makati City at gumawa ng mga affidavit of publication hinggil sa pagsusubasta ng Phases IV at V ng Makati City Hall Building II mula 2011 hanggang 2013. Pinalabas nilang nalathala sa Balita at Metro Profile ang anunsyo samantalang wala namang naganap na paglilimbag.
Iginawad ang kontrata sa Hilmarc Construction Coroporation kahit walang paanyaya na magpakita ng eligibility at kakayahang lumahok sa subasta at kawalan ng public bidding.
1 2 3