|
||||||||
|
||
Mga Filipino sa America, pinaalalahanan
SA patuloy na paglakas ng bagyong "Florence," sa Estados Unidos, pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Washington ang may 150,000 mga Filipino sa Virginia at maging sa North at South Carolina na mag-ingat at umiwas sa kapahamakan.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, inaasahang tatama sa lupa ang bagyo bukas o sa Biyernes sa North o South Carolina.
Sumunod na rin ang Washington, D. C. sa naging desisyon ng Maryland at Virgina na magdeklara ng State of Emergency sapagkat umaasa silang magiging malakas ang ulan at magkakaroon ng pagbaha.
Patuloy na magbabantay ang mga taga-Embahada ng Pilipinas sa Washington at tuloy ang koordinasyon sa mga kasapi ni Filipino community.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |