|
||||||||
|
||
Dagdag na kapital sa sektor ng transportasyon kailangan
TRANSPORTATION FORUM 2018, SINIMULAN. Makikita si ADB Takehiko Nakao sa idinaos na panel discussion sa pagsisimula ng pangrehiyong pulling sa ADB headquarters kanina. (ADB Photo)
SINABI ni G. Takehiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank na mangangailangan ng may US$ 8.4 trilyon upang matugunan ang pangangailangan sa sektor ng transportasyon sa (taong) 2030.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng tatlong araw na Transport Forum 2018 sa ADB headquarters sa Mandaluyong City, sinabi niyang ang ginugugol sa transportasyon sa Asia Pacific region ay wala sa kalahati ng nararapat gastusin.
May mga oportunidad upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pamahalaan. Kailangang matugunan kaagad ang pangangailangan upang maiwasan na rin ang masamang epekto ng pagbabago sa panahon.
May 500 mga delegado sa pulong na kinabibilangan ng mga matataas ng opisyal sa larangan ng transportasyon, mga dalubhasa sa mga programang pangkaunlaran, matataas ng opisyal ng pamahalaan, pribadong sektor, mga alagad ng akademya at mga kinatawan ng non-government organizations.
Lumahok sa open forum o panel discussion si Pangulong Nakao sa panel discussion na kinatampukan ni Afghani Minister of Public Works Yama Yari, dating ADB Vice President at ngayo'y pangulo ng Japan Society of Northern California na si Lawrence Greenwood at ang kinawatan ng JICA sa France na si Bb. Megumi Muto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |