|
||||||||
|
||
Minister Wang Yi, dadalaw sa Pilipinas
NAKATAKDANG dumating sa Maynila si State Councilor at Foreign Minister Wang Yi mula sa Linggo, ika-16 ng Setyembre hanggang sa Martes, ika-18 ng Setyembre sa paanyaya ni Foreign Secretary Alan Peter S. Cayetano.
Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs, sinabing ang pagdalaw na ito ang higit na magpapalalim sa magandang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina.
Anang pahayag, ang pagdalaw na ito ay kasunod ng matagumpay na pagdalaw sa Beijing ng mga economic manager ng Pilipinas noong Agosto at magkakaroon na naman ng pagkakataon upang pag-usapan ang mga pagawaing-bayan sa ilalim ng "Build, Build, Build" program.
Pag-uusapan din ang oil and gas cooperation na layuning magtulungan at magsama sa proyektong tutugon sa mga batas at regulasyon ng dalawang bansa at ng pangdaigdigang mga kasunduan,
Sa pagkakaroon ng tuloy-tuloy na pag-uusap at konsultasyon na ang sandigan paggalang at pagtitiwala sa isa't isa, magkakaroon ng maayos na pagtugon sa mga 'di napapagkasunduan hinggil sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sinabi ni Secretary Cayetano na ang pagdalaw na ito ang nagpapakita ng higit na matibay ang relasyon ng dalawang bansa at patuloy sa magkasanib na layuning magtulungan sa adhikaing mapakinabangan ng mga Tsino at Filipino ang bunga ng magandang pagsasamahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |