|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
400 grams ng chicken breast
Para sa Seasoning
100 grams ng vegetable oil
20 grams ng red dried chillies
50 grams ng mani
2 itlog
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 milliliters ng suka
10 milliliters ng cooking wine
5 grams ng tinadtad na luya
1 kutsara ng soya sauce
20 grams ng flour
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Gayatin nang manipis ang red chillies tapos hiwain ang chicken breast nang pa-cube (ang bawat gilid ay may sukat na 2-3 centimeters). Ilagay ang lahat ng cubes sa isang bowl. Idagdag ang puti ng itlog, asin at dry cornstarch at haluing mabuti.
Mag-init ng 80 grams ng vegetable oil sa kawali at iprito ang chicken cubes hanggang magkulay golden brown. Hanguin ang cubes at alisin lahat ng mantika sa kawali.
Initin sa kawali ang natitira pang 20 grams ng vegetable oil at igisa ang mga piraso ng red chilli at ang tinadtad na luya. Pag nagsimula nang malanghap ang bango ng iginigisa, ihulog ang chicken cubes at haluhaluin nang maraming ulit. Idagdag ang mani soya sauce, cooking wine, suka at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paghahalo at pagkaraan niyan puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |