|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 squares ng bean curd
20 spring onion
3 kutsara ng cooking oil
Kalahating kutsarita ng asin
2 kutsara ng malabnaw na soy sauce
Paraan ng Pagluluto
Patuyuin nang kaunti ang bean curd at hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 1 centimeter. Hiwain ang spring onion kasama ang talbos sa sukat na 2.5 centimeters ang haba.
Mag-init ng mantika sa kawali tapos igisa ang bean curd sa loob ng ilang minuto. Pag medyo golden brown na ang kulay ng bean curd, idagdag ang mga piraso ng spring onion at ituloy pa ang paggisa. Timplahan ng asin at soy sauce at hayaang maluto sa loob ng ilang minute. Ihaini pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |