Inilabas kamakailan ni Stephen Roach, senior fellow ng Jackson Institute of Global Affairs sa Yale University ng Amerika, at dating chief economist ng Morgan Stanley, ang artikulong may pamagat na "America's False Narrative on China."
Sinabi ni Roach, na sa kasalukuyan, pinahihirapan ang Amerika ng kawalang-balanse sa makro-ekonomiya na nilikha nito mismo, at natatakot din ang bansa na mawala sa posisyon bilang pandaigdigang lider. Dahil sa mga ito aniya, ginawa ng sirkulong pulitikal ng Amerika ang mga maling salaysay tungkol sa Tsina sa mga aspektong gaya ng isyung pangkalakalan, di-umanong pagnanakaw sa intellectual property, pamimilit sa paglilipat ng teknolohiya, at manipulasyon sa salapi.
Ipinalalagay ni Roach, na hindi dapat sisihin ng Amerika ang Tsina sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng bansa, at dapat maging obdiyektibo at matapat ang pakikitungo ng Amerika sa Tsina. Dagdag niya, nakikita mula sa kasalukuyang mga hakbangin ng pamahalaang Amerikano, na ang paghahanap ng sangkalan ay mas madali kaysa paninisi sa sarili.
Salin: Liu Kai