Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas

2021-10-21 15:21:04  CMG
Share with:

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021pagkain600

Ayon sa Ministri ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina, noong unang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon, mainam ang pagtakbo ng agrikultura at kabuhayang pangkanayunan, at makakalikha ng bagong rekord ang aanihang pagkaing-butil ng bansa sa buong taon.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021ani2600

Ayon sa nasabing ministri, bumuti ang kalidad at lumaki ang ani ng pagkaing-butil, at mahigit 2.9 bilyong kilogram ang lumaking ani sa Tag-init sa taong ito.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021ani1600

Kasabay ng paggarantiya ng sariling kaligtasan ng pagkaing-butil, walang patid na isinusulong ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Pilipinas sa larangang ito.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021bigas4600

Idinaos Huwebes, Oktubre 21, 2021 ang online na seremonya ng pagkakaloob ng 2,000 toneladng bigas na donasyon ng pamahalaang Tsino sa Pilipinas.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021bigas1650

Sina Huang Xilian (sa kaliwa), Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Rolando Joselito Bautista (sa kanan), Kalihim ng DSWD

Dumalo sa nasabing seremonya sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Rolando Joselito Bautista, Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad na Panlipunan (DSWD); at iba pa.

Ipinaabot ni Bautista ang lubos na pasasalamat sa ibinigay na bigas ng panig Tsino.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021bigas2600

Si Rolando Joselito Bautista, Kalihim ng DSWD

Aniya, ito ay kumakatawan ng pag-aalala at kabutihan ng mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Pilipino.

Sa lalong madaling panahon, ipamimigay aniya  ang lahat ng bigas sa mga Pilipinong lubos na nangangailangan ng tulong.

Sa pamamagitan ng kooperasyong Pilipino-Sino, mapagtatagumpayan ng Pilipinas ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa malapit na hinaharap, at sasalubungin ng bansa ang mas maganda at maliwanag na kinabukasan, diin niya.

Tinukoy naman ni Huang na pagkaraan ng ilampung taong walang-patid na pagsisikap, matagumpay na nalutas ng Tsina ang isyu ng pagkaing-butil para sa 1.4 na bilyong populasyon nito.

Bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Pilipinas, nakahanda ang panig Tsino na ibahagi ang kaukulang karanasan at teknolohiya upang walang humpay na mapalalim ang pragmatikong kooperasyon sa agrikultura at iba pang larangan, at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayang Pilipino, saad pa niya.

Ang nasabing 2,000 toneladang bigas ay ika-3 pangkat na donasyon ng Tsina.

Ani ng pagkaing-butil ng Tsina sa 2021, makakalikha ng bagong rekord; 2,000 toneladang bigas, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas_fororder_20211021bigas3600

Ito ay bahagi ng pangako ng pamahalaang Tsino na magbigay ng 10 libong toneladang bigas sa Pilipinas.

Hanggang sa kasalukuyan, 6,150 toneladang bigas ang naihatid na sa Pilipinas, at halos isang milyong mamamayang Pilipino ang nakinabang dito.

Inaasahang ihahatid sa Pilipinas ang natitirang bahagi ng pangako sa loob ng kasalukuyang taon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method