CGTN poll: tuluy-tuloy na pagpapataas ng interest rate ng Amerika, magpapasidhi ng resesyon sa buong mundo

2022-11-03 17:41:31  CMG
Share with:


Inanunsyo Huwebes, Nobyembre 3, 2022 ng Federal Reserve (Fed) ng Amerika ang ika-4 na tuluy-tuloy na 0.75 puntong rate hike.

 

Ito rin ang ika-6 na beses nang pagpapataas ng Amerika ng interest rate sa loob ng kasalukuyang taon, bagay na nakatawag ng pagkabalisa sa buong mundo.

 

Isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University ng Tsina ang poll sa 100 ekonomista sa buong mundo na nagpapakitang ang tuluy-tuloy na pagpapataas ng Amerika ng interest rate ay magpapasidhi ng resesyon ng daigdig.

 

Kabilang dito, ipinalalagay ng 90% ng mga ekonomista na tumataas ang panganib ng stagflation dahil dito, at ipinalalagay naman ng 94% ng respondents na ang tuluy-tuloy na pagpapataas ng interest rate ay posibleng humantong sa biglaang pagdaragdag ng debt risk ng mga umuunlad na bansa.

 

Nitong nakalipas na halos isang taon, ginawang rason ng Amerika ang implasyon para tuluy-tuloy na idagdag ang interest rate, at ipinalalagay nitong pansamantala lamang ang implasyon. Sang-ayon dito ang halos 15% ng respondents lang.

 

Samantala, pananaw ng 50% ng ekonomista na ang kusang-loob na paglulunsad ng Amerika ng alitang pangkalakalan sa Tsina ay isa sa mga pangunahing sanhi ng implasyon.

 

Ang radikal na pagpapataas ng Fed ng interest rate ay nagpapasidhi ng pagkabalisa ng merkado sa prospek ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ayon sa datos, naniniwala ang 73% ng respondents na ang ganitong kilos ng Amerika ay magpapasama ng tunguhin ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Palagay ng 88% ng ekonomista na magiging maligalig ang global financial market dahil dito.

 

Nag-alala naman ang 82% ng respondents na bibigyang-dagok nito ang kompiyansa ng merkado at mga mamumuhunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac