Sa eksklusibong panayam kamakailan ng China Media Group – Filipino Service (CMG-FS) kay Abel James Monteagudo, Direktor ng Regional Field Office XI ng Kagawaran ng Agrikultura (DA Region 11), sinabi niyang ang mga pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina noong unang dako ng taong ito ay pinapasulong ang kooperasyong Pilipino-Sino sa larangang agrikultural. Pinapalakas din ng mga ito ang kalakalan ng mga produktong agrikultural, at pagpapalitan ng mga agrikultural na teknolohiya, impormasyon at tauhan.
Sa ginanap na dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. noong Enero, 2023, naging isa sa apat na pangunahing prayoridad ng kooperasyong Pilipino-Sino sa hinaharap ang agrikultura, para magkasamang isakatuparan ang modernisasyong agrikultural ng dalawang bansa.
Sa nasabing pagdalaw, 14 na kasunduang pangkooperasyon ang napirmahan ng Pilipinas at Tsina. Kabilang dito ang Protocol of Phytosanitary Requirements for Export of Fresh Durians from the Philippines to China, Joint Action Plan on Agricultural and Fisheries Cooperation (2023-2025) at The Handover Certificate of Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technical Cooperation Program Phase III (PhilSCAT-TCP III).
Video: Kulas
Pulido: Ramil/ Jade
Kabuhayan ng rehiyon ng Davao, pinasisigla ng merkadong Tsino –direktor ng DA Region 11
Pagkakataon sa trabaho at kita ng mga taga-Davao, pinapataas ng merkadong Tsino
Kalidad ng iniluluwas na durian ng Pilipinas sa Tsina, garantisado ng pinagmulan
Proseso ng quality control sa mga Davao durian bago iluwas sa Tsina