(Video) Samu’t saring marine species, makikita sa Atlantis Sanya

2024-06-03 17:57:55  CMG
Share with:


Ipinagmamalaki ng Atlantis Hotel sa Sanya, Hainan ang isa sa kanilang mga atraksyon, ang Lost Chambers Aquarium na naglalaman ng libu-libong iba't ibang uri ng marine life. Ang nasabing aquarium, na bahagi ng kanilang grand resort complex, ay dinisenyo upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga bisitang nais masilayan ang kagandahan ng karagatan nang malapitan.

 

Ang pasilidad na ito ay tahanan ng higit sa 86,000 aquatic life, kabilang ang mga bihirang uri ng pating, stingray, at makukulay na coral reefs. May kapasidad itong maglaman ng 13.5 milyong litro ng tubig, na nagiging perpektong tirahan para sa 280 uri ng marine life.

 

Sa Atlantis Sanya, mayroon ding underwater habitat na tinatawag na The Ambassador Lagoon kung saan maaaring mag-scuba dive ang mga bisita.

 

Taun-taon dinadagsa ng maraming turista ang mga atraksyon  hindi lang para mag-enjoy, gayundin upang matuto tungkol sa iba’t ibang marine species.

 

Bukod sa aesthetic at educational na aspeto, layon din ng pamunuan ng Atlantis na sa pamamagitan ng kanilang atraksyon, mas mapapalapit ang mga tao sa kalikasan at magpapaigting ng kamalayan sa pangangalaga ng ating mga karagatan.


Ulat/Video: Mark Fetalco

Patnugot: Jade