Ipinahayag kahapon ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na nitong sampung taong nakalipas, sa ilalim ng balangkas ng China-ASEAN Stratigic Partnership, pinapasulong ng CAExpo ang konstruksyon ng CAFTA at kooperasyong pangkalakalan ng dalawang panig.
Tatlong mungkahi ang iniharap ni Le, na binubuo ng pagpapahigpit ng paggagalugad ng pribadong pondo sa mga proyektong pang-imprastruktura, pagpapasulong sa transnational at sub-regional economic cooperation, at pagpapasulong ng talastasan tungkol sa kooperasyong pangkabuhayan na may mutuwal na kapakinabangan batay sa balangkas ng Regional Comprehensive Economic Partnership(RCEP), na kapakipakinabang sa mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN.