Idinaos kahapon ang ikalawang round ng talakayan sa Parliamento ng Thailand kaugnay ng batas sa amnestiya, na iniharap ng Phen Thai Party(PTP).
Nang araw ring iyon, nagsagawa naman ng rali-protesta sa Bangkok ang paksiyong oposisyon bilang pagtutol sa naturang batas.
Ayon sa naturang batas, mabibiyayaan ng amnestiya ang lahat ng mga akusado sa kasong pagdaraos ng illegal political rally, mula noong ika-19 ng Setyembre,2006 hanggang ika-8 ng Agosto, 2013. Nangangahulugan itong magkakaroon ng whitewash sa mga kaso ng mga dating lider ng Thailand, na tulad ni dating Punong Ministrong Thaksin Shinawatra, at ni Abhisit Vejjajiva, Puno ng Democrat Party, pinakamalaking partidong oposisyon ng bansa.