|
||||||||
|
||
Swiss drug company, tumulong na rin sa Pilipinas
NAKIISA na ang Novartis Healthcare Philippines sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Pharmaceutical & Healthcare Association of the Philippines at Kagawaran ng Kalusugan na kilalanin at tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ni "Yolanda."
Ayon kay Thomas Weigold, pangulo at managing director ng Novartis Healthcare Philippines, iniipon na nila ang kanilang mga makakayang ibigay sa mga biktima ng trahedya.
Ang PHAPCares, ang humanitarian arm ng PHAP ay naglaan na ng P 2 milyon ng essential medicines sa Tacloban at Palo, Leyte at maging sa Samar. Mayroong 46 na research-based pharmaceutical companies ang nasa Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang mga tanggapan upang malaman ang pangangailangan ng mga biktima sa Western Visayas, Central Visayas, Bicol Region, Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan, CARAGA at maging ang hilagang Mindanao.
Ipinahiram na ng Novartis ang kanilang satellite phone sa PHAPCares Foundation upang madali ang supply ng gamot.
Sa panig ng Novartis, magbibigay sila ng P 3.8 milyon halaga ng anti-biotics, pain, hypertension at diabetes medications. Mayroon na ring nakahandang 10,000 doses ng anti-tetanus at anti-diphtheria vaccines na nagkakahalaga ng P 4.65 milyon.
May punong tanggapan ang Novartis sa Basel, Switzerland at nangangalap nan g cash donation-matching program upang suportahan ang rehabilitation ng binagyong pook.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |