|
||||||||
|
||
Pope Francis, lumiham kay Pangulong Aquino
NAKIRAMAY si Pope Francis sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda." Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala ni Arsobispo Pietro Parolin, and Secretary of State ng Vatican kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kagabi.
Lubha umano ang kalungkuhan ni Pope Francis sa pinsala at pagkawala ng buhay dulot ng bagyong "Haiyan." Nakikiisa ang Santo Papa sa mga naging biktima at sa pagdadalamhati ng mga naulila, tulad rin ng mga nawalan ng tahanan.
Ipinagdarasal din niya na magkaroon ng lakas ng loob ang mga nabiktima at ipinapanalangin din niya ang mga autoridad at emergency personnel na tumutulong sa mga naging biktima.
Isang sipi ng liham ang ipinadala kay Arsobispo Jose S. Palma, pangulo ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines mula kay Msgr. Seamus Horgan, ang Chargé ng Apostolic Nunciature sa Maynila
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |