|
||||||||
|
||
Mga banyagang manggagamot, naglilingkod na sa Tacloban
MGA BANYAGANG MANGGAGAMOT, NASA TACLOBAN CITY NA. Na sa larawan si Margret Mûller, coordinator ng Humedica, isang samahan ng mga manggagamot sa Alemanya. Kasama niya ang kanyang koponan ng mga dalubhasa sa disaster medicine at ngayo'y nasa Tacloban City na. (Melo Acuna)
Nakiramay din si Belgian Minister Didier Reynders sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan. Ipadadala nila ang kanilang Belgian First Aid and Support Team o B-FAST upang magbigay ng Emergency Relief sa mga apektadong pook. Dumating na kanilang umaga ang isangBelgian Air Force plane na sinakyan ng mga tutulong sa mactan International Airport at sinalubong ni Honorary Consul Enrique Benedicto andEmbassy Comsul Verbeeck. Ang koponan ay inaasahang makapaglilingkod sa Tacloban City kaninang hapon. Mayroon silang field hospital na mayroong 35 dalubhasang manggagamot at narses. Mayroon din silang dalang mga gamot. Isang mobile water treatment unit ang ilalagay sa Tacloban upang magkaron ng ligtas na maiinom ang mga biktima. Magtatagal sila ng sampung araw sa Tacloban City.
Samantala, isang koponan ng mga manggagamot at narses mula sa Alemanya ang naglakbay na rin patungong Tacloban City. Ayon kay Margret Mûller, Coordinator ng Humedica, may dala silang 400 kilo ng basic health medication. Mayroon silang partner organization na may tanggapan sa Maynila at sa Tacloban.
Naglilingkod na ang kanilang samahan sa nakalipas na tatlumpung taon at nasa disaster medication ang Humedica sa nakalipas na dalawampung taon. Tatlong beses na siyang dumalaw sa Pilipinas at minsang naglingkod sa Iran.
Una siyang dumalaw sa sa Pilipinas noong Oktubre 2012 ng tamaan ng malakas na bagyo ang Aurora Province. Bumalik sila sa Pilipinas noong Disyembre ng 2012 at naglingkod naman sa Compostela Valley matapos hagupitin ni "Pablo."
Ayon ay Mûller at sa kanyang kasamang si Matthias Gerloff, isang lalaking nurse, nais nilang bumalik sa Pilipinas ng walang anumang trahedya sapagkat maganda ang mga tanawin sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |