|
||||||||
|
||
Malacanang, nanawagan sa mga rebelde
NAPAPANAHON ang pagkakaisa sa panahon ng kagipitan. Ito ang mensahe ni Secretary Edwin Lacierda sa press briefing sa Malacanang kanina. Ito ang kanyang reaksyon sa balitang tinambangan ng mga rebelde ang mga kawal na may dalang relief goods patungo sa Silangang Kabisayaan sa Bicol Region.
Ani G. Lacierda, ngayon ang panahon ng pagkakaisa at pakikiisa sa mga biktima ng trahedya kaya't nanawagan siya sa mga rebelde na huwag na munang manggulo.
Naganap ang pananambang sa Sorsogon kaninang umaga. Dalawang rebelde ang nasawi sa pangyayari. Mananatiling mapagbantay ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines at magtatanggol laban sa mga mananambang at maghahasik ng lagim.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |