|
||||||||
|
||
May 28 mga bansa ang nangakong tutulong sa Pilipinas
UMABOT na sa 28 mga bansa ang nangakong tutulong sa relief efforts ng Pilipinas matapos hagupitin ng bagyong si "Yolanda" kamakailan.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na kabilang sa mga tumutulong at tutulong ay ang mga bansang Australia, Belgium, Canada, China, Denmark, European Union, Finland, France, Germany, Hungary, Indonesia, Israel, Japan, Luxemburg, Malaysia, the Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Singapore, Spain, Sweden, Taiwan, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, United States of America at maging ang Vietnam.
Kasama rin sa tumutulong ang UNICEF, Doctors Without Borders, Oxfam, United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |