|
||||||||
|
||
Mga search and rescue teams ng mga minahan, ipinadala na rin sa Tacloban City
MANGGAGAMOT AT NURSE NG HUMEDICA, SUMABAK NA SA TACLOBAN CITY. Kabilang sina Margret Mûller at Matthias Gerloff sa mga banyagang tumutulong sa libu-libong biktima ni "Haiyan" noong Biyernes sa Central Philippines.
MGA MINERO, KALAHOK SA SEARCH AND RESCUE. Sinabi ni Engr. Louie Sarmiento, pangulo ng Philippine Mine Safety and Environment Association na dalawang koponan ng kanilang search and rescue teams ang ipinadala na sa Tacloban city upang tumulong sa pamahalaan. Kagagaling pa lamang ng mga tauhan nila sa Bohol matapos tumulong sa mga naging biktima ng malakas na lindol kamakailan, (Melo Acuna)
DALAWANG koponan ng mga minerong dalubhasa sa search and rescue ang ipinadala na sa Tacloban City at mga kalapit pook upang tumulong sa paghahanap sa mga naging biktima ni Yolanda.
Ayon kay Engr. Louie Sarmiento, pangulo ng Philippine Mining Safety and Environment Association, isang linggong nakakabakasyon pa lamang ang mga minero ng Philex Mines at Oceana Gold Corporation mula sa pagtulong sa mga nilindol sa lalawigan ng Bohol ay sumabak na naman patungong Tacloban City.
Umabot sa halos 300 kilo ang kagamitan ng bawat koponan na makikiisa sa mga tauhan ng pamahalaan sa search and rescue operations.
Idinagdag pa ni Engr. Sarmiento na regular na nila itong gawain sa oras ng mga trahedya sa iba't ibang bahagi ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |