Ipinatalastas kahapon ng Pamahalaan ng Pilipinas na sisimulan na ang plano ng rekonstruksyon sa apektadong purok ng "Yolanda." Di-kukulangin sa 361 bilyong piso, katumbas ng mga 8.2 bilyong dolyares, ang ilalaan sa susunod na 4 na taon.
Winika kahapon ni Arsenio Balisacan, Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nag-laan na ang pamahalaan ng 34 bilyong piso (mga 800 milyong dolyares), at daragdagan ito ng 100 bilyong piso (mga 2.3 bilyong dolyares) sa susunod na taon.
Ayon sa estadistikang ipinalabas nang araw ring iyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang ika-18 ng buwang ito, tinatayang umabot sa 36.6 bilyong piso (mga 800 milyong dolyares), ang kapinsalaang pangkabuhayan dahil sa bagyo. Bukod dito, umabot na sa 6,069 ang naitalang bilang ng mga nasawi sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Samantala, 27468 katao naman ang nasugatan, at 1,779 iba pa ang nawawala.
salin:wle