Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

26, patay sa nasunog na tren sa India

(GMT+08:00) 2013-12-29 15:33:08       CRI

Ayon sa panig pulisya ng India, isang tren ang nasunog kahapon sa Andhra Pradesh at di-kukulangin sa 26 na katao ang nasawi, samantalang 15 iba pa ang nasugatan.

Pagkaraang maganap ang sunog, agarang isinugod ang mga sugatan sa mga malapit na ospital.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng panig pulisya ang imbestigasyon sa insidenteng ito, pero wala pang natutuklasang aktuwal na dahilan ng sunog.

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Punong Ministro Manmohan Singh ng India ang pakikiramay sa mga nasawi sa sunog. Ipinatalastas din ng Ministri ng Daambakal na bibigyan ng 500 libong Indian Rupee ang mga pamilya ng bawat nasawi at tatanggapin ng bawat nasugatan ang 50 libong Indian Rupee bilang kompensasyon.

Salin: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>