|
||||||||
|
||
Ayon kay Xi, malayo pa ang biyahe para matupad ang layunin ng UN hinggil sa kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan. Hinimok niyang magsikap ang lahat para mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Ika-21 siglo.
Aniya, dapat din itatag ang bagong relasyong pangkooperasyon at win-win situation, batay sa layunin at simulain ng UN Charter, at likhain ang komunidad ng komong kapalaran para sa sangkatauhan.
Iniharap ni Xi ang 5 proposal para itatag ang relasyong ito.
Una, itatag ang komunidad na pandaigdig kung saan nagkakapantay-pantay ang lahat ng miyembro, at magkakasamang nagsasanggunian at nag-uunawaan ang isa't isa.
Ikalawa, dapat itayo ang bagong pananaw hinggil sa magkakasama, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng seguridad, at lubusang pagkakaroon ng namumunong papel ng UN Security Council sa pagbibigay wakas sa digmaan.
Ikatlo, kapwa mahalaga ang paggamit ng invisible hand at visible hand para magkaroon ng sinerhiya sa pagitan ng market forces at government function, para matamo ang episyensiya at pagkakapantay-pantay.
Ikaapat, dapat magkaroon ng pagpapalitan sa pagitan ng mga sibilisasyon, sa halip na di-pagkakaunawaan. Dapat aniyang igalang ang lahat ng sibilisasyon at magkaroon ng may respectong pakikitungo sa bawat isa .
Ikalima, itayo ang isang ecosystem na nagbibigay priyoridad sa nature at green development para magsikap ang lahat ng miyembro para itatag ang isang eco-civilization na pandaigdig. Aniya pa, isasabalikat ng Tsina ang sariling responsibilidad at nanawagan siya sa mga maunlad ng bansa na tupdin ang kanilang responsibilidad na pangkasaysayan, at tumulong sa mga umuunlad na bansa para makaagapay sa pagbabago ng klima.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |