Idaraos sa London ang Pulong sa Kooperasyong Pinansyal ng Boao Forum for Asia(BFA), mula ika-8 hanggang ika-10 ng buwang ito. Tatalakayin ng mahigit 300 kinatawang mula sa 22 bansa't rehiyon ng Asya at Europa ang hinggil sa kooperasyong pinansyal, reporma ng international monetary system, "Belt and Road Initiative," pagtutulungan sa kakayahang produktibo, konektibidad ng capital market, at iba pa.
Ipapaliwanag sa pulong ni Zhang Xiaoqiang, dating pangalawang puno ng Pambansang Lupon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina ang nasabing inisyatibo. Samantala, ilalahad din ni Jin Liqun, bagong halal na Pangulo ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) ang operasyon ng AIIB, at pakikipagtulungan nito sa mga organong pinansyal ng daigdig, na gaya ng World Bank Group, Asian Development Bank, European Investment Bank, at iba pa.