Binuksan sa Beijing kahapon ng hapon, Marso 3, 2016 ang Ikaapat na Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC). Sa susunod na ilang araw at kasalukuyang buong taon, masinsing isasagawa ng mahigit 2,100 kinatawan ng CPPCC ang pagbibigay ng konstruktibong mungkahi, batay sa diwang itinakda sa panukalang resolusyon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano at iba pang may-kinalamang ulat, para magbigay ng sariling lakas sa komprehensibong pagtatatag ng maginhawang lipunan at dakilang kasiglaan ng nasyong Tsino.
Ang Working Report ay ginawa ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng CPPCC. Tinukoy ni Yu na batay sa tungkulin at gawain na isinagawa ng CPPCC noong 2015, isasabalikat nito sa 2016, pangunahin na ang tungkulin sa pagbibigay ng mga konstruktibo at mabisang mungkahi, para maisakatuparan ang mas magandang simula ng pag-unlad ng nasabing plano.
Sapul noong Ika-3 Sesyon ng Ika-12 CPPCC, kinuha ng CPPCC ang 6,012 mosyon mula sa mga kinatawan at departamento ng CPPCC. Hanggang noong Pebrero 20, 2016, nalutas o nasagot na ang 99.5% ng mga ito.