Sa isang regular na preskon, sinabi ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa kalagitnaan ng susunod na buwan, bibiyahe sa Pakistan at India si Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ani Yang, ang layon ng nasabing biyahe ay isakatuparan ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at ibayo pang palakasin ang mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga hukbo ng Tsina at naturang dalawang bansa para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng